desc Walking in Fields of Grace: May 2007

Thursday, May 31, 2007

...

...when all the hues that brightens the way seem to just fade... and the dark shadows left caused the eyes to falter and the sight to grow dim... when all the beauty that used to surround seems to vanish in an instant...and caused everything to lose their meaning.

...was it just plain busyness that caused it?... could it probably be lost motivation?... or perhaps, the reason was simply gone.


I choose not to contemplate about it.


I know this is just a phase.



This too, shall pass...



But whatever it is that seemed to be lost...


I know, in time...


I shall find it again.



I will continue to tread the path...


But for now,


It will be in silence.

Friday, May 11, 2007

IST in Baguio

Salamat sa lahat ng mga nag contribute sa I.S.T. fund (i.e. lahat ng nagbayad ng fine dahil late at hindi nagsuot ng dresscode, pati na rin sa mga generous birthday celebrants na nagdagdag ng budget para sa team outing), nang dahil sa inyo ay nagkaroon tayo ng pagkakataon na makapag bakasyon sa City of Pines! yahoo! :D

And of course, hindi magiging successful ang team outing na ito kung hindi dahil sa effort ng bawat isa na nag plan at nag handle ng iba't ibang tasks like: Angie and Tabel - for the venue at taga-budget, Onax - for the itenerary and transpo, Vanie - for the groceries/market, Cheli, Arlene, Vic,Jay - the cooks, Rolly and Mike - the dishwashers, Rosa, Carissa, Rochelle - for the ingredients preparation, Ferdie - for the official photos, Axel - for the official videos, and yours truly - dishwasher/treasurer. May absent nga lang na isa, wala si Ritche boy. hayyy... sayang ang dami nyang na miss. :D Pero di bale, marami naman syang pasalubong, at may "sayote" award pa. hehehe...

Eto po share ko lang mga pics from our Baguio trip last April 27-30. Enjoy!


Friday night dinner at the Office

After office hours, nagpaka busog kami sa tatlong KFC bucket meal at sa isang box ng Lotsa Pizza for dinner. :D

While waiting for the van

9pm pickup time sa amin sa may likod ng Rufino. Ayan, medyo mukha kaming refugees na naghihintay sa may bangketa hehe...Almost 10pm na dumating yung van. Then nag ayos na kami ng seating arrangement sa van at sa car ni Tabel, pati na rin mga baggages. Si Ferdie and Axel ang kasama ni Tabel sa car kase raw pag kami ni Angie, tutulugan lang namin sya. hehehe.. o nga naman, may point sya dun. :D





Stop-overs sa mga gasoline stations

Snacks, CR break, stretching, picture taking after a couple of hours ng travel. Yung iba ayaw bumaba ng van tulog lang. (Sino kaya yun Rosa? hehe..)



Travel continues...

Hindi nakaligtas sa mga paparazis ang mga natutulog (tsk, tsk...) Si Onax at Vic lang yata ang gising sa buong 6 hours travel. Si Onax ang katext nila Ferdie at si Vic naman ang kakwentuhan ni kuya Rey, ang aming driver. Sinigurado nila Axel at Ferdie na hindi aantukin si Tabel habang nagda-drive. Ayun, successful naman sila sa kanilang mission (Itanong nyo na lang kay Tabel kung bakit hindi sya inantok hehe). For the rest ng nasa van, malayo na ang narating sa pagtulog. Eto ang ebidensya. :D




Baguio, finally!

Unti-unti na naming nararamdam ang lamig.. brrrr... at 5:30 in the morning, we're already in Baguio! yey! :D







At the Cuneta Summer Homes compound

Eto yung house na nirent nila Angie and Tabel through Baguio.com. Spacious sya with its 3 floors and 4 bedrooms and accessible rin kase walking distance lang sya from Good Shepherd and malapit rin sa Minesview. :)


the house :)

the sala :)

busy preparing for breakfast

tagabili ng pandesal :P

yummy breakfast! :D

dishwasher for breakfast :P


bagong ligo at bagong gising hehe...


DAY1 (Saturday): PASYAL TIME!

1st stop: Wright Park

Sobrang lapit from our place. Horse-back riding area ito, pero picture-picture lang kami kase medyo hindi maganda ang amoy. hehe...



2nd stop: The Mansion

Few minutes away lang ito from Wright Park. Sayang hindi pwede pumasok sa mansion ng ating her excellency, GMA. Anyways, at least man lang sa may front yard pwede magpa-picture. :D Kanya-kanyang pose na ito, pati na rin yung mga nagkataon na magkaka-shade ng suot hehe...

at the Mansion :)

feeling mansion ko :P

in royal blue :D - Doths, Rolly, Angie

in red :D - Jay and Mike


in brown :D - Onax and Rosa


in navy blue :D - Ferdie and Tabel


in black :D - Cheli and Carissa

in white :D - Axel and Rochelle


walang kashade e... - Arlene and Vanie


class picture :P


hay naku... stolen shot na naman tsk tsk...


magpakailanman part 2... :D


bagong rebond si angie :D

pahinga lang muna

ayan recharged na ulit :D

at the pine trees :)

sa pine trees ulit :)
3rd stop: Botanical Garden

Sayang hindi kami nakapagpa picture sa may signage, kase yung mga lola natin doon ay nagpapabayad, sapilitan. hehe... Si Axel nga nasingil ng "trinta" kase nahuli sya nung isang lola na nagvivideo. :D Dito rin nagpa-sketch sina Carissa at Rochelle, donation lang ang kailangan. Sayang hindi ko napicturan yung mga sketches sa kanila, para kayo na lang ang humusga kung kamukha ba nila. Sabi kase nung iba naming kasama, parang si Kris Aquino, Julie Vega, Ma. Leonora at Mary Walter daw yung mga nasa sketch :P hehe... Si Onax naman nagpa henna tattoo dito. :)


stolen shot ito ni Ferdie from inside our van hehe...

pose lang hindi naman bumili :P

welcome banner :)

I.S.T. sa loob ng Botanical garden

sa may hungduan

4th stop: SM Baguio

Lunch time sa SM Baguio. Sa Gerry's Grill kami kumain. Sabi nila wala raw aircon sa SM na ito, pero ang lamig pa rin. Ganda rin ng view from Gerry's Grill. :)

SM sa Baguio

Angie, Jay, Ferdie :)

Angie and Vanie in front of Gerry's

while waiting for our order...

picture after lunch :)

5th stop: Camp John Hay

Supposedly, ikot lang kami sa loob ng Camp John Hay at hindi na bababa ng van. Pero naisipan pa rin namin bisitahin ang mga amusement areas nila. Nag bumpcar, nag golf, naglaro sa playground at kumain rin. :D Sina Axel and Ferdie nagpaiwan sa SM para mag-SPA. sosyal...

ganda ng house :)

getting ready to bump!

naglaro ang I.S.T.! :P

nag mini golf sina Tabel, Cheli and Vic

nag see-saw sina Jay, Onax, Rosa and Doths :D

merienda treat ni Ms. Arlene sa "Tsokolate de Batirol"


After nito, stop-over kami sa Burnham park pero hindi kami namasyal doon, nag park lang ng van si kuya Rey. Kelangan kase namin mamalengke for our dinner, kasabay na rin ang pagbili ng ilang pasalubong. :)

Dinner @ the house and evening fun =)

Division of labor pagdating sa house. Ang mga girls naghiwa ng ingredients (congrats Tabel! hehe). Si Cheli ang nagluto ng pork steak at chopsuey. Ang mga guys naman ang nag ihaw ng liempo. Expert pala mag-ihaw ang aming driver na si Kuya Rey. :D Nakatulog na ko sa sofa bago pa maluto ang lahat ng ulam. Habang yung iba naman ay nanood ng PBB. Sa wakas nakakain rin kami mga 11pm. :D

After dinner, ligpit at pahinga lang ng konti then the fun begins! Salamat sa MagicSing na dala ni Angie at Tabel. Ang saya ng game na ito! Nag enjoy kami talaga! Next time ulit. hehehe... =P

Vegetable salad, Chopsuey, inihaw na liempo and pork steak for dinner :D saraaapp!

Onax and Rolly, dishwashers after dinner :D

girls vs. boys - pataasan ng average score sa MagicSing! :D

Ferdie's "my love will ZERO through..." hehehe... :P

smile everyone! but of course, panalo ang mga girls! yehey! :D

Sayang hindi ko maipost yung pics ng mga guys during their punishment, baka awayin ako e. hehehe... =P


DAY2 (Sunday): PASYAL TIME again!

1st stop: Good Shepherd

Medyo late na kami nagising dahil sa puyat ng nakaraang gabi. Natagalan rin matapos mag prepare kase isa lang yung bathroom na may heater. So yung mga maliligo sa dalawang bathrooms, kelangan pa mag init ng tubig. May nanguha pa ng pinakulong tubig ni Jay (di ba Tabel? =P)

Since nauna matapos mag prepare sila Ms. Arlene, Vanie and Rolly, sila na ang nagvolunteer pumunta ng Good Shepherd para bumili ng mga ube na pang pasalubong namin. :)

viewing spot sa Good Shepherd

2nd stop: Strawberry Farm

At last, natapos rin mag prepare ang lahat, almost 11 a.m. na. Derecho na kami sa Strawberry farm sa may La Trinidad. Medyo may kalayuan pala yun pero okay lang maganda naman yung mga view na nadaanan namin. :)

Hindi kami nakabili ng fresh strawberries kase medyo maliliit yung bunga at may kamahalan pa. Kaya nauwi kami sa strawberry jams and strawberry preserves. Bumili na rin kami ng iba pang pasalubong dito.


me and Cheli sipping strawberry taho :D

Vanie and me at the lettuce farm :)
I.S.T sa gitna ng strawberry farm :)


3rd stop: Minesview Park
Biglang bumuhos ang malakas na ulan nung papunta na kami sa Minesview. Yung iba ay bumaba pa rin sa Minesview para tumingin ng mga pasalubong, pero yung iba (kasama na ko dun) ay hindi na bumaba ng van at kumain na lang ng mais habang nag hihintay. Sobrang traffic. Siguro dahil na rin sa malakas na ulan at saka Sunday, kaya maraming namamasyal. Nauna na kami umuwi ng bahay para mag prepare ng lunch. Past 3pm na kase at kelangan na bumalik ng Manila. :)

Bye-bye na...
Almost 4pm na kami nakapag lunch. Mabilisan na rin ang pagliligpit kase dumating ng maaga yung next na magrerent ng house. After maisakay na sa van at sa car yung mga gamit, last picture taking sa labas ng house. :)



At the Lion's head, Kennon Road

Hindi kami nakapagpa-picture nung paakyat pa lang kami ng Baguio doon sa may Lion kase madaling araw pa lang at medyo madilim pa. Kaya nung pababa na ay napagkasunduan ng lahat ng mag stop-over dun para sa souvernir pics. :)




After ng picture taking at the Lion, we bid them farewell. Yup, nagpaiwan pa kase kaming tatlo nila Tabel at Angie. We had to transfer nga lang to a smaller place, kase masyadong malaki naman yung house para sa tatlo. :D

Then there were three...

After namin maligaw sa paghahanap ng Shell gasoline station, dumerecho na kami ng uwi sa bahay. Nag dinner lang kami ng konti, nanood sila Tabel at Angie ng pinaka-aabangan nilang PBB, nagkwentuhan ng konti, then natulog na kami. :)

Day 3 (Monday): Last day sa Baguio

1st stop: Palengke

Usapan namin na umalis ng bahay by 9am, kaya lang 8:30 na ako nagising at saka pa lang gumising ang dalawa kong kasama. hehehe... Kaya ayun, 11am na ulit kami nakaalis ng bahay. Plano sana namin pumunta ng groto, kaya lang napag-alaman namin na may kalayuan pala yun at hindi namin kabisado ang daan papunta dun. Kaya dumerecho na lang kami ng palengke para mag last minute shopping. :)


Tabel and Angie kasama ang favorite naming tindera ng pasalubong :)

sinamahan si Tabel bumili ng walis :D


2nd stop: Burnham Park

After ng last minute shopping, nagpunta kami ng Burnham park para hanapin yung sinasabi ni Angie na nagtitinda ng honey. Halos nalibot na namin yung buong park pero hindi namin nakita ang nagtitinda ng honey. Kaya picture taking na lang ulit. :D At dahil sa napagod kami maglibot, nagutom na rin kami. Sinubukan namin ang food sa isang resto na ang pangalan ay "Solibao". Masarap and marami rin ang serving ng food nila. :)

magpakailanman part 3 :D


with "Berty" the St. Bernard :D

naku...mahihimatay na yata sa gutom si Tabel hehe...

sarap ng lunch! :D

3rd stop: Minesview Park

Dumaan lang kami sandali sa Minesview para maghanap ng blanket na gusto bilhin ni Tabel. Pati ako ay napabili rin hehe... Then syempre picture taking na rin, sa may sunflowers at kasama ulit ng isang St. Bernard. :)

sa may favorite ni Angie na sunflowers...color yellow kasi :D


with "Douglas", St. Bernard rin :)


4th stop: Good Shepherd

Since malapit lang naman sa house namin, stop-over na rin kami sa Good Shepherd para magpa picture lang. hehe...


bilihan ng the best ube! :)

view from Good Shepherd

mainit na (maitim na rin hehe)...pero smile pa rin :D

Uwian na... :D

Quick ligpit/empake lang pagdating ng house, then souvenir pictures taken by Angie around the house, this is it! Uwian na talaga....

at the sala :)

one of the two rooms

dining area

the kitchen

bye, bye time!

We left Baguio around 4:30 p.m. Ang saya rin on our way along Kennon Road. Noong first time ko kase pumunta ng Baguio hindi kami dumaan dito. Medyo nakakatakot pero exciting pala! Ewan ko lang kung exciting rin para kay Tabel, kase sya naman ang driver e. hehehe... Pero at least happy sya kase hindi namin sya tinulugan ni Angie hanggang makarating kami ng Makati. :D Tanungin nyo na lang kami ni Angie kung bakit hindi kami inantok. =P

Hay! I'm sure nag enjoy naman kaming lahat sa aming Baguio vacation. Sulit talaga! Siguro mas maganda lang kung medyo extended. Anyway, next time siguro. :D Sana mas malaki na yung fund ... at sana kumpleto pa rin kami. :D

(",)